January 23, 2025

Home BALITA

Rowena Guanzon, may pinapatamaan sa EDSA? 'Pati simbahan ginawang tambayan!'

Rowena Guanzon, may pinapatamaan sa EDSA? 'Pati simbahan ginawang tambayan!'
Photo courtesy: Rowena Guanzon, ABS-CBN News/Facebook

Tila may pasaring si P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon sa mga tagasuporta ng pamilya Duterte sa EDSA Shrine.

Sa kaniyang X post nitong Sabado, Nobyembre 30, 2024, tahasang iginiit ni Guanzon na hindi raw tunay na pag-aalsa ang ginagawa ng Duterte supporters, bagkus ay naging tambayan lang daw ang EDSA Shrine. 

“Their ‘EDSA’ plan fizzled out because hindi yon tunay na pag aalsa ng tao. Pati simbahan ginawang tambayan. Nakakainis ha,” ani Guanzon. 

Matatandaang noong Nobyembre 26, 2024 nang magsimulang dumayo sa kahabaan ng EDSA Shrine ang Duterte supporters upang ipakita raw ang pagtutol nila sa umano’y panggigipit na trato ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kay Vice President Sara Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

KAUGNAY NA BALITA: Mga tagasuporta ni VP Sara, nagtipon-tipon sa EDSA Shrine

Ilang mga tagasuporta rin ang nagsabi na hindi raw sila aalis sa EDSA Shrine hangga’t hindi umano nila napabababa sa puwesto si PBBM at maulit ang nangyari noong 1986 EDSA People Power Revolution I nang mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

KAUGNAY NA BALITA: Duterte supporters, mananatili sa EDSA Shrine hanggang sa bumaba sa puwesto si PBBM

Samantala, ilang netizens naman ang sumang-ayon sa nasabing post ni Guanzon.

“Ang panghe diyan kanina sa gilid ng shrine tas ang daming dura.”

“Basta free meal 3x a day.... huwag na daw mag inarte... tatambay lang naman daw”

“Buti kung tambayan lang, ginawa pang CR, parang mga “pagkatao” nila, mababantot, salaula.”

“Hayaan mo na torne, nasa labas naman sila. Bias nga simbahan eh, yung mga politiko nga sa loob pa ng simbahan nagmemeeting saka yung iba may pa event pa mismo sa harap ng altar. Ano tawag mo dun torne?”

“Eh di naman Laban ng madlang pinoy yan ehhh...Kahirapan ang nagaganap now samantala ang mga pulitiko papasa sa kaban ng Bayan!!!eh away yan ng kadiliman at kasamaan!!!”