January 23, 2025

Home BALITA

Duterte supporters, mananatili sa EDSA Shrine hanggang sa bumaba sa puwesto si PBBM

Duterte supporters, mananatili sa EDSA Shrine hanggang sa bumaba sa puwesto si PBBM
Photo courtesy: Paolo Duterte Supporters/Facebook

Wala pa raw balak bumaklas mula sa kanilang hanay ang ilang daang Duterte supporters na nananatili sa EDSA Shrine. 

Ayon sa ulat ng News 5 noong Nobyembre 29, 2024, hangad daw kasi ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte na maulit daw ang makasaysayang pagpapatalsik noon sa rehimen ni dating Pnagulong Ferdinand Marcos, Sr. na nagsimula rin sa EDSA noong 1986 People Power Revolution I. 

“Kung si Duterte may Build Build Build, ngayon may Destroy Destroy Destroy... Hanggang sa bumaba siya. Dahil kami ay nagsasakripisyo para sa kapayapaan ng bansa, ng Pilipino,” ani Sky Fajad, isa sa mga raliyista na nasa EDSA Shrine na nakapanayam ng News 5.  

Matatandaang nagsimulang dumagsa ang mga Duterte supporters sa EDSA Shrine noong Nobyembre 26 upang ipakita raw ang kanilang pagtutol sa umano’y trato ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kay Vice President Sara Duterte. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

KAUGNAY NA BALITA:Mga tagasuporta ni VP Sara, nagtipon-tipon sa EDSA Shrine

May ilang tagasuporta rin ang muling itinanggi ang umano’y alegasyon sa kanila na sila raw ay bayaran at hakot lang mula sa ibang lugar, taliwas sa nasabing ebidensya umano na inilabas kamakailan ng Philippine National Police. 

“Walang bayad dito. Iyong ganoon pwede naninira, pwede siguro yung mga listahan nila, pwedeng pamasahe. Siguro kaniya-kaniya sila, o ambagan sila,” anang isang raliyista. 

Nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ng mamamahayag at mga tagasuporta ng pamilya Duterte noong Nobyembre 28 dahil umano sa pagiging bias ng media hinggil sa pagbabalita ng mga ito sa kanilang mga aktibidad sa EDSA Shrine. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Sinungaling daw?' Ilang Duterte supporters, pinag-initan ang media!