Para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pag-aaksaya lamang umano ng oras ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Nobyembre 29, kinumpirma ni Marcos na nagpadala siya ng text message sa Kongreso upang sabihing huwag nang maghain ng reklamong pagpapatalsik kay Duterte bilang bise presidente ng bansa.
“Well, it was a private communication pero na-leak niya. Yes, because that’s really my opinion,” ani Marcos.
Nakasaad sa nag-leak na mensahe ng pangulo sa Kongreso ang: “In the larger scheme of things, Sara is unimportant. So please do not file impeachment complaints.”
Samantala, sa naturang panayam ay ipinahayag din ni Marcos na hindi umano importante ang impeachment laban sa bise presidente dahil wala raw itong mababago sa buhay ng mga Pilipino.
“This is not important. This does not make any difference to any one single Filipino life. So why waste time on it?” giit ng pangulo.
“What will happen if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all of our time. And for what? For nothing.
“None of this will help improve a single Filipino life. As far as I am concerned, it is a storm in a teacup,” dagdag pa niya.
Naging usap-usapan ang posibleng impeachment complaint umano na ihahain laban kay Duterte matapos nitong isiwalat noong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!
Samantala, nilinaw naman ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.
MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM
MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’