November 29, 2024

Home BALITA National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’
MULA SA KALIWA: Pangulong Bongbong Marcos, Bagong Alyansang Makabayan chairperson Teddy Casiño at Vice President Sara Duterte (Facebook; file photo)

Iginiit ni Bagong Alyansang Makabayan chairperson Teddy Casiño na pinalalalim lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kultura ng impyunidad nang sabihin nitong pag-aaksaya lamang ng oras ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Nobyembre 29, sinabi ni Marcos na hindi mahalaga at pag-aaksaya lamang umano ng oras ang pagsasampa ng impeachment complaint laban Duterte.

MAKI-BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 29, sinabi ni hinding hindi umano magiging pag-aksaya ng oras ang pagpapatalsik sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.

National

SP Chiz, nanawagan sa mga senador na ‘wag magkomento sa 'impeachment' vs VP Sara

“Holding government officials accountable, whether by impeachment or filing the appropriate cases in the Ombudsman or Sandiganbayan will never be a waste of time and resources. All the more we should hold government officials to account as this can lead to more wastage of public funds,” ani Casiño.

“While we do not expect the President to intervene in the impeachment of VP Duterte, it is improper for him to dismiss efforts to hold her accountable through this process. In fact, not doing so is a betrayal of the public interest and the people's trust,” dagdag niya.

Samantala, iginiit din ni Casiño na dapat umanong hayaan ni Marcos ang Kongreso na magdesisyon hinggil sa impeachment bilang co-equal na sangay ng pamahalaan.

“By saying that impeachment is only a waste of time, President Bongbong Marcos only deepens the culture of impunity, where public funds are questioned but the culprits are not held accountable. Should the impeachment complaint see the light of day, Marcos Jr. should let Congress decide its fate as a co-equal branch of the government,” saad ni Casiño.

“Otherwise, discouraging impeachment would also seem that the President is still hoping to rekindle their alliance.

“Ano ‘to, Hello, Love, Again?” dagdag pa niya.

Naging usap-usapan ang posibleng impeachment complaint umano na ihahain laban kay Duterte matapos nitong isiwalat noong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Samantala, nilinaw naman ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections.