November 28, 2024

Home BALITA Metro

Manila LGU, namahagi ng tulong pinansiyal sa 2,000 pamilyang nasunugan sa Maynila

Manila LGU, namahagi ng tulong pinansiyal sa 2,000 pamilyang nasunugan sa Maynila
Manila Public Information Office/FB

Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pamamahagi ng tig-P10,000 financial asssistance at relief goods sa may 2,000 pamilya na nawalan ng tahanan sa mga sunog na sumiklab sa Isla Puting Bato sa Tondo at Sampaloc, Manila.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso na alinsunod sa direktiba ni Lacuna, patuloy na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng sunog.

Matapos pa lamang aniya na tumama ang sunog sa mga naturang lugar, agaran nang ipinag-utos ng alkalde na ihanda ang mga pansamantalang matutuluyan ng mga biktima.

Pinagkalooban din sila ng food boxes, hot meals at tents.

Metro

2 college students na magkaangkas sa motorsiklo, patay sa aksidente; 3 sugatan

Samantala, nanawagan naman sina Lacuna at Servo sa mga residente na nangangailangan ng trabaho na lumahok sa 'Mega Job Fair' na idaraos ng city government ngayong Biyernes, Nobyembre 29, 2024.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod, sa ilalim ng pamumuno ni Fernan Bermejo, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment - National Capital Region at DOLE -NCR Manila Field Office.

Isasagawa ito sa Arroceros Forest Park sa Lawton, Manila mula 10:00AM hanggang 5:00PM.