January 03, 2025

Home BALITA

Ilang Duterte supporters, hindi pa rin humuhupa sa bahagi ng EDSA Shrine

Ilang Duterte supporters, hindi pa rin humuhupa sa bahagi ng EDSA Shrine
Photo courtesy: Christopher Sitson, ABS-CBN News

Nananatili pa rin sa EDSA Shrine ang ilang mga tagasuporta ng pamilya Duterte upang ipakita raw ang kanilang pag-alma sa umano’y trato ng pamahalaan kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang Martes, Nobyembre 26, 2024 nang magsimulang dumagsa sa EDSA Shrine ang Duterte supporters.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tinatayang nasa 200 na tagasuporta ng pamilya Duterte ang nagpalipas ng gabi sa EDSA Shrine nitong Miyerkules, Nobyembre 27 at may ilan din umano ang nagsasabi na mananatili pa raw ang ilan sa mga ito hanggang Biyernes, Nobyembre 29, 2024. 

Samantala, nitong Miyerkules din, Nobyembre 27 sa press briefing sa Camp Crame, naglabas ng umano’y mga pruweba ang pulisya na nagpapatunay daw na “bayaran” at “hakot” lang daw ang mga taong dumadagsa sa nasabing bahagi ng EDSA. 

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, may mga video raw na kumakalat na nagpapakita umano ng usapan ng ilang indibidwal tungkol daw sa bayad nila sa pagpunta sa EDSA Shrine. 

“There are some videos na lumalabas, if I may share again na 'yung iba doon allegedly were transported from their barangays papunta doon sa lugar. Pinangakuan daw na babayaran sila at pakakainin," ani Fajardo.

Sa ulat naman ng GMA Integrated News, ilang Duterte supporters ang nagpa-unlak ng panayam at mariing na pinabulaanan ang pagiging bayaran daw nila. 

Matatandaang naglabas din ng pahayag si dating senador Leila De Lima kaugnay ng pagtitipon ng Duterte supporters at patuloy umano ng pag-usbong ng people power laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. 

KAUGNAY NA BALITA: De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'