January 23, 2025

Home BALITA

OVP staffs na sina Lopez at Acosta, sumasailalim pa rin sa medical treatments—VMMC

OVP staffs na sina Lopez at Acosta, sumasailalim pa rin sa medical treatments—VMMC
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook

Naglabas ng pahayag ang Veterans Memorial Medical Center tungkol sa lagay ng chief-of-staff ni Vice President Sara Duterte na si Zuleika Lopez at Special Disbursement Officer ng Office of the Vice President na si Gina Acosta. 

Sa panayam ng media sa spokesperson ng VMMC na si Dr. Joan Mae Rifareal nitong Miyerkules, Nobyembre 27, 2024, kinumpirma nitong kasalakuyan pa ring sumasailalim sa medical treatments sina Lopez at Acosta. 

“Both individuals are being closely monitored by a multidisciplinary team of healthcare professionals to their health and well being,” ani Rifareal.

Saad pa ni Rifareal, patuloy pa rin daw ang pagtugon sa iniindang shoulder pain at spinal issues ni Lopez maging ang acute stress daw nito na siyang iginiit din niyang dahilan upang lumiban sa pagdinig ng Kamara noong Nobyembre 25.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Atty. Zuleika Lopez is currently receiving treatment for acute stress and is also being managed for musculoskeletal strain including shoulder pain and spinal issues,” anang VMMC spokesperson.

Samantala, hindi naman inihayag ng VMMC sa publiko ang naging diagnosis ni Acosta, na matatandaang isinugod sa ospital noong araw ng nasabing pagdinig ng Kamara, matapos daw tumaas ang kaniyang presyon. 

“Mrs. Gina Acosta continues to receive comprehensive medical care with close monitoring by our healthcare team,” saad ni Rifareal.

“We understand the public's concerns and interest in the health of both Atty. Lopez and Mrs. Acosta. However, we remain steadfast in our commitment to respect patient privacy and confidentiality,” dagdag pa ni Rifareal. 

Matatandaang noong kapuwa nadiin sina Lopez at Acosta sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa umano’y kuwestiyonableng paggamit ng OVP ng kanilang confidential funds. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

KAUGNAY NA BALITA: Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito