November 27, 2024

Home BALITA National

Gadon, nanghinayang na sinuportahan ang mga Duterte

Gadon, nanghinayang na sinuportahan ang mga Duterte
Photo Courtesy: Larry Gadon (FB), Duterte Family via MB

Naghayag ng panghihinayang ang disbarred lawyer at anti-poverty czar Larry Gadon sa ibinigay niyang suporta sa mga Duterte matapos niyang magsumite ng disbarment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 27, hindi raw inakala ni Gadon na gano’n ang katangian ng nasabing pamilya.

“Hindi ko naman akalaing ganyan pala sila, e. ‘Yong statements ni Vice President Sara, napaka-immature. Kulang na kulang sa statesmanship,” saad ni Gadon.

Dagdag pa niya, “Saka hindi siya nag-aaral. Basta na lang siyang nagsasalita kagaya no’ng sa healthcare issues.. [...] She is totally detached from reality.”

National

Bam Aquino sa kaarawan ni Ninoy: 'Ipagpatuloy natin ang mga ipinaglaban niya!'

Gayunman, nilinaw ni Gadon na hindi raw niya isinumite ang disbarment case laban sa bise presidente bilang pagtanaw ng utang na loob kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nagbigay sa kaniya ng posisyon sa gabinete nito.

“Mas malaki ang kinikita ko when I was in private practice. I was a corporate executive. But this is just a commitment to help the president; to help the country,” aniya.

Matatandaang kamakailan lang ay isiniwalat ni Duterte sa isang virtual press conference na kung sakali raw na ipapatay siya ay may tao na raw siyang binilinan upang patayin ang pangulo, ang asawa nito at at si House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Ito ay matapos i-contempt ng House of Representatives ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez sa ginanap na pagdinig ng House committee on good government and public accountability dahil umano sa liham ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya.

MAKI-BALITA; VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order