Naglabas ng pahayag ang Mamamayang Liberal (ML) Partylist first nominee Atty. Leila De Lima kaugnay sa People Power sa mismong anibersaryo ng kaarawan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Si Ninoy ay isang senador ng 7th Congress at hayagang kritiko ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Isa siya sa mga unang inaresto matapos ang deklarasyon ng batas militar noong 1972 at kalaunan ay pinaslang sa Manila International Airport na ngayon ay inilipat na sa kaniya ang pangalan.
Sa X post ni De Lima nitong Miyerkules, Nobyembre 27, sinabi niya na isa umanong kabalintunahan na ang mga dating kumukutya noon sa diwa ng EDSA Revolution ay nagsusulong na nito ngayon.
“The Dutertes' attempt to use Ninoy Aquino’s legacy to stir up another People Power movement against the Marcoses reeks of irony, hypocrisy, and sheer desperation,” saad ni De Lima.
“Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally; EDSA People Power deniers, pero ngayon gusto mag-organisa ng panibagong rebolusyon na para bang aping-api. Nakakaloka,” aniya.
Dagdag pa ng dating senadora, “Such a movement does not shield individuals who misuse their positions for personal gain—the core purpose of People Power is to protect and uphold democracy.”
Kaya naman ang hiling niya, magsilbi raw paalala ang araw ng kapanganakan ni Ninoy upang labanan ng sambayanan ang anomang anyo ng pang-aabuso sa kapangyarihan.
Matatandaang muling nabanggit ang tungkol kay Ninoy at sa People Power matapos bumwelta ni Vice President Sara Duterte sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na papalagan umano siya nito sa “death threats” ng bise-presidente.
MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbuwelta sa kaniya ni PBBM: ‘Papalagan ko rin ginagawa nila sa’kin!’
MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'