November 26, 2024

Home BALITA National

‘Tawa siya nang tawa!’ VP Sara, tinawanan balitang iisyuhan siya ng subpoena ng NBI – Sen. Bato

‘Tawa siya nang tawa!’ VP Sara, tinawanan balitang iisyuhan siya ng subpoena ng NBI – Sen. Bato
Sen. Bato dela Rosa at VP Sara Duterte (Photo courtesy: Sen. Bong Go/FB)

Ibinahagi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na tinawanan lamang daw ni Vice President Sara Duterte ang balitang maglalabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena laban sa kaniya kasunod ng “assassination threat” nito laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang nitong Lunes, Nobyembre 25, nang isiwalat ng Department of Justice (DOJ) na maglalabas ang NBI ng subpoena laban kay Duterte kaugnay ng naging pahayag nito noong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si PBBM, at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

MAKI-BALITA: VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

National

Malacañang, inalmahan si Ex-Pres. Duterte: ‘He should respect the constitution!’

MAKI-BALITA: VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan

Kaugnay nito, sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Nobyembre 26, sinabi ni Dela Rosa na wala pa raw coordination ang NBI sa kampo ni Duterte, at siya pa raw ang nagbalita sa bise presidente hinggil sa nasabing subpoena.

“Ako nag-inform sa kaniya kaninang umaga, nag-usap kami. Tapos tawa siya nang tawa, tinawanan niya,” ani Dela Rosa.

“Ano naman daw ang krimen na na-commit niya? Patayin muna siya bago siya maka-commit ng crime. By that time, sinong mananagot kung napatay na siya, ‘di ba? Yun nga ang premise eh, conditional. Patayin n’yo ako, papatayin ko kayo,” dagdag pa niya.

Naghihintay naman daw ang kampo ni Duterte kung may darating ngang subpoena, at kung sakali mang may dumaan, anang senador, haharapin daw ito ng bise presidente.

“Haharapin niya lahat ‘yan. One-by-one, huwag namang sabay-sabay. Haharapin niya ‘yan, kung ano man ang imbestigasyon na meron, haharapin niya… She’s willing to face everything,” saad ni Dela Rosa.

Base naman sa panayam ng DZBB, isiniwalat ni NBI Director Jaime B. Santiago na ngayong Martes daw nakatakdang maghain ang ahensya ng subpoena sa Office of the Vice President (OVP) para kay Duterte.