“Nakakagulat ang garapalang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ating sandatahang lakas…”
Tinawag ng Malacañang na “makasarili” at “iresponsable” ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang pahayag nitong Martes, Nobyembre 26.
“And he will go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed.”Ayon pa kay Bersamin, dapat umanong respetuhin ni Duterte ang Konstitusyon at sundin ito.
“He should desist from being as irresponsible as he has become. Nakakagulat ang garapalang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ating sandatahang lakas na maglunsad ng kudeta laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.”
“This administration will not shirk from its sworn duty to govern and manage the affairs of the Filipino Nation according to the Constitution and the Rule of Law. It will defend its legacy before the Filipino People only by lawful means. The state will act resolutely to go against all unlawful attempts and challenges.
“Hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa. Maghintay kayo sa tamang panahon, sumunod sa tamang pamamaraan,” saad ni Besamin.
Matatandaang sa isang press conference nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 25, tinawag ni Duterte si Marcos na “drug addict.”
“Hanggang kailan kayo magsuporta ng drug addict na presidente?” tanong ni Duterte sa militar.
“There is a fractured governance sa Pilipinas ngayon. Nobody can correct Marcos, nobody can correct Romualdez… It is only the military who can correct it,” saad din ng dating pangulo sa naturang press conference.