November 25, 2024

Home BALITA National

VP Sara, sinagot pahayag ni Año na usapin ng 'national security' anumang banta kay PBBM

VP Sara, sinagot pahayag ni Año na usapin ng 'national security' anumang banta kay PBBM
(file photo)

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang naging pahayag ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na kinokonsidera ng National Security Council (NSC) ang lahat ng mga banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang usapin ng “national security” at dapat seryosohin.

Matatandaang sa isang pahayag nitong Linggo, Nobyembre 24, sinabi rin ni Año mahigpit na na nakikipag-ugnayan ang NSC sa law enforcement at intelligence agencies upang imbestigahan ang nature of the threat sa buhay ng pangulo, matapos isiwalat ni Duterte noong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si PBBM at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

MAKI-BALITA: Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Samantala, sa isang pahayag nitong Lunes, Nobyembre 25, kinuwestiyon ni Duterte ang pahayag ni Ano at iginiit na ang kaniyang naging tirada laban kay Marcos ay “maliciously taken out of logical context.”

Hiningi rin ng bise presidente ang kopya raw ng “notice of meeting” ng NSC para makonsidera raw ng konseho ang kaniyang naging pahayag laban sa pangulo bilang isang “national security concern.”

“National security pertains to the protection of our sovereignty, the safety of the Filipino population, and the preservation of our democratic institutions. The function of the National Security Council is confined to the formulation of policies in furtherance of such pursuits.”

“I would like to see a copy of the notice of meeting with proof of service, the list of attendees, photos of the meeting, and the notarized minutes of meeting where the Council, whether present or past, resolved to consider the remarks by a Vice President against a President, maliciously taken out of logical context, as a national security concern,” giit ni Duterte.

Samantala, sinabi rin ng bise presidente na dapat umanong isama ng NSC sa kanilang susunod na meeting ang kaniyang request na ilahad sa konseho ang mga banta raw sa kaniyang buhay, at maging sa institusyon ng Office of the Vice President (OVP) at personnel nito.

“As a member of the National Security Council (EO 115 Dec 24, 1986), I do not recall receiving a single notice of meeting since 30 June 2022. I request the NSA to please send to me the notarized minutes of all meetings conducted by the Council from 30 June 2022, if any. I want to review what the council has accomplished so far, in terms of policies and recommendations for national security,” giit ni Duterte.

“Moreover, please submit within 24 hours, an explanation in writing with legal basis why the VP is not a member of the NSC or why as member I have not been invited to the meetings, whichever is applicable.”

“I urge all National Security Council  members and the Filipino people to demand transparency and accountability from the personnel of NSC,” saad pa niya.