Pumalag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa “assassination threat” umano ni Vice President Sara Duterte laban sa kaniya.
Sa isang live video nitong Lunes, Nobyembre 25, iginiit ni Marcos na hindi umano dapat pinalalampas ang banta laban sa buhay ng isang presidente.
"Nakakabahala ang mga pahayag na narinig natin nitong mga nakaraang araw. Nandiyan ang mga walang pakundangang pagmumura at pagbabanta ng planong ipapatay ang ilan sa atin,” ani Marcos.
“Kung ganoon na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan? ‘Yang ganyang krimimal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas. ‘Yan ay aking papalagan,” saad pa niya.
Matatandaang noong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 25, nang sabihin ni Duterte na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!
Samantala, matapos iginiit ng Malacanang na “active threats” laban sa pangulo ang kaniyang pahayag, nilinaw din ng bise presidente na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.
MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM
MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’