November 25, 2024

Home BALITA National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara
Pres. Bongbong Marcos at VP Sara Duterte (Facebook; file photo)

Naka-red alert na ang Presidential Security Command (PSC) matapos ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Major Nestor Endozo nitong Lunes, Nobyembre 25, PSC civil military operations officer, na naglabas ng order ang commander ng PSC commander noong Sabado, Nobyembre 23, na bagama’t wala pang direktiba kung lilimitahan na ang public activities ni Marcos, dodoblehin daw ang kaniyang seguridad sa mga susunod nitong aktibidad.

Nag-implementa na rin ang PSC ng mas pinahigpit na security measures sa Malacañang, kung saan isa-isang sinisiyasat ang mga sasakyang pumapasok dito.

Hindi naman na idinetalye ni Endozo kung magkakaroon ng mga adjustment sa security protocol ni Marcos.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

"Hindi namin ma-disclose. Makikita n'yo na lang po siya during sa mga incoming engagement ni President kasi yung instruction sa amin dito, ido-double yung security ni President lalo sa mga upcoming activities niya. Mas pinaigting natin yung security," ani Endozo.

Samantala, wala pa raw direktiba mula sa PSC commander kung maglalagay sila ng bulletproof glass sa podium ng pangulo sa public engagements nito.

Matatandaang noon ding Sabado ng madaling araw nang sabihin ni Duterte na huwag mag-alala ang kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang seguridad dahil mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal kung ano ang dapat gawin kapag “namatay” siya.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Tinawag namang ng Malacañang ang naturang pahayag ni Duterte na “active threat” laban sa pangulo.

MAKI-BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Samantala, matapos ang nasabing pahayag ng Malacañang ay nilinaw ng bise presidente na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’