November 24, 2024

Home BALITA National

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'
(Photo courtesy: Sen. Bong Go/FB; Pangulong Bongbong Marcos/FB)

Iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na hindi umano matatawag na “active threat” ang naging pahayag  ni Vice President Sara Duterte na mayroon na siyang napagbilinang indibidwal at sinabihang kung pinatay raw siya, papatayin naman nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang sa isang virtual press conference nitong Sabado, Nobyembre 23, iginiit ni Duterte na huwag mag-alala ang kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang seguridad dahil mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal kung ano ang dapat gawin kapag “namatay” siya.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Makalipas ang ilang oras ay nagbigay naman ng reaksyon ang Malacañang sa naturang pahayag ni Duterte at tinawag itong “active threat” laban sa pangulo.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

MAKI-BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Kaugnay nito, sa panayam ng mga mamamahayag nitong Linggo, Nobyembre 24, sinabi ni Dela Rosa na may kondisyon naman umano ang naging pahayag ni Duterte laban kina Marcos.

“May kondisyon ‘yung pagkakasabi niya ‘di ba? Kung siya ay papatayin, ipapatay din daw niya. Patayin muna siya bago niya ipapatay,” ani Dela Rosa.

“Kumbaga walang mangyayari kung hindi siya gagalawin. Parang ganoon ang sinabi niya, ‘di ba?” dagdag niya.Nang linawin naman kung naniniwala ba siyan hindi ito matatawag na “active threat”, sagot ni Dela Rosa: “Hindi ko masabi. Sila, kino-consider nilang active threat eh. Maybe a conditional threat.”

“You hurt me, I’ll hurt you. Ganoon lang, ‘di ba? Okay, you hurt me, I’ll hurt you. You shoot me, I’ll shoot you, parang ganoon,” saad pa niya.

Matatandaan namang nito lamang ding Sabado ng hapon nang linawin ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM