Naglabas ng pahayag si chief presidential legal counsel Juan Ponce-Enrile matapos ang naging “pagbabanta” ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang Facebook post nitong Linggo, Nobyembre 24, sinabi ni Enrile na tila may mga tao umanong nagnanais ng “regime change.”
“We are a democracy. We just had recently elected a president and a vice president under our Constitution. Now, it seems, some people want a regime change,” ani Enrile.
“What do we really want? A Leninism? A Maoism? A Fascism? A Banana Republic? WHAT,” giit pa niya.
Ayon pa sa chief presidential legal counsel, dapat umanong maghintay na lamang sa susunod na eleksyon ang mga nagnanais na baguhin ang “rehimen.”
“If we want to test our popular strength, why don't we wait for the coming mid-election next year? If we want a regime change, why don't we wait for the national election in 2026? Or, are we that impatient that we want to have the political power now? Do we want a stable a peaceful and society? Or do we want an anarchic social condition? WHAT?” saad ni Enrile.
“Let us be more clear about what we want. Let us bring it out into the open and debate it, and let the whole society decide. Let us be very careful about the matter. So much is involved! So many people are going to get hurt! The whole nation is at stake?” dagdag pa niya.
Matatandaang sa isang virtual press conference nitong Sabado, Nobyembre 23, iginiit ni Duterte na huwag mag-alala ang kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang seguridad dahil mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal kung ano ang dapat gawin kapag “namatay” siya.
MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!
Makalipas ang ilang oras ay nagbigay naman ng reaksyon ang Malacañang sa naturang pahayag ni Duterte at tinawag itong “active threat” laban sa pangulo.
MAKI-BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang
Samantala, nito lamang ding Sabado ng hapon nang linawin ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.
MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM