November 24, 2024

Home BALITA National

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año
MULA SA KALIWA: National Security Adviser Secretary Eduardo Año, Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte (MB file photo)

Iginiit ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na kinokonsidera ng National Security Council (NSC) ang lahat ng mga banta sa buhay ng pangulo ng Pilipinas na isang usapin ng “national security” at dapat seryosohin.

“The National Security Council considers all threats to the President of the Philippines as serious. Any and all threats against the life of the President shall be validated and considered a matter of national security,” ani Año sa isang pahayag nitong Linggo, Nobyembre 24.

Mahigpit na rin daw na nakikipag-ugnayan ang NSC sa law enforcement at intelligence agencies upang imbestigahan ang nature of the threat, at maging ang posibleng mga salarin at ang kanilang mga motibo.

“We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President represents,” saad ni Año.

National

Sen. Bato, iginiit na ‘di 'active threat' tirada ni VP Sara vs PBBM: ‘Maybe a conditional threat'

“We enjoin the Filipino people to remain calm and confident in the knowledge that the security sector will ensure the President’s safety and will always uphold at all times the constitution, our democratic institutions, and the chain of command.”

“We underscore that the safety of the President is a non-partisan issue, and we stand united in our commitment to upholding the integrity of the office and the democratic institutions that govern our great nation,” dagdag pa niya.

Ang naturang pahayag ni Año ay matapos isiwalat ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal at sinabihang kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Samantala, nito lamang ding Sabado ng hapon nang linawin ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM