December 26, 2024

Home BALITA National

PNP chief Marbil, pinaiimbestigahan ‘assassination threat’ ni VP Sara kay PBBM

PNP chief Marbil, pinaiimbestigahan ‘assassination threat’ ni VP Sara kay PBBM
MULA SA KALIWA: PNP chief Rommel Francisco Marbil, VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (FB; file photo)

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil ang naging “assassination threat” ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at maging kina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang sa isang virtual press conference nitong Sabado, Nobyembre 23, iginiit ni Duterte na huwag mag-alala ang kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang seguridad dahil mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito sina PBBM, FL Liza, at House Speaker Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Kaugnay nito, sa isang pahayag nito ring Sabado ay sinabi ng PNP na inatasan na ni Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang magsagawa ng agarang imbestigasyon hinggil sa mga pahayag ni Duterte.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“The Philippine National Police (PNP) treats any threat to the safety and security of the President and all public officials with the utmost seriousness. In light of Vice President Sara Duterte’s recent statement, which directly referenced an assassin contracted to target the President, the PNP recognizes the grave nature of this matter,” pahayag ng PNP. 

“The safety of the President is a national concern and any direct or indirect threat to his life must be addressed with the highest level of urgency,” dagdag nito.

Samantala, siniguro rin ng PNP sa publiko na pananatilihin nila ang kaligtasan ng lahat ng mga sangkot sa naturang isyu at magsasagawa ng mga legal na aksyon na naaayon sa batas.

“The PNP remains committed to upholding public safety and maintaining peace across the nation,” saad nito.

Sa isa namang pahayag ay sinabi ng Malacañang na “active threat” ang naging pahayag ng bise presidente laban sa pangulo, at nakipag-ugnayan na raw ang Executive Secretary sa Presidential Security Command upang aksyunan ito.

MAKI-BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang “loyal” sa Konstitusyon at Chain of Command matapos ang naturang mga pahayag ni Duterte.

MAKI-BALITA: Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon