December 26, 2024

Home BALITA National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang
Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte (Photo: Santi San Juan/MB)

“Any threat to the life of the President must always be taken seriously.”

Iginiit ng Malacañang na isang “active threat” laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na may kinausap na umano siyang tao at binilinan na kung napatay siya, papatayin naman nito ang pangulo at maging si First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

“May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kaniya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke,” matatandaang sinabi ni Duterte sa isang virtual press conference nitong Sabado, Nobyembre 23.

“Nagbilin na ako. Kapag namatay ako, sabi ko ‘Huwag kang tumigil ha, hanggang hindi mo mapatay sila.’ And then he said yes," dagdag pa niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Kaugnay nito, iginiit ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang pahayag nito ring Sabado na nakipag-ugnayan na ang Executive Secretary sa Presidential Security Command upang aksyunan ang naturang pahayag ng bise presidente na tinawag nilang “active threat” sa buhay ng pangulo.

“Acting on the Vice President’s clear and unequivocal statement that she had contracted an assassin to kill the President if an alleged plot against her succeeds, the Executive Secretary has referred this active threat to the Presidential Security Command for immediate proper action,” anang PCO.

“Any threat to the life of the President must always be taken seriously, more so that this threat has been publicly revealed in clear and certain terms,” saad pa nito.

Matatandaang ang nasabing mga pahayag ni Duterte laban sa pangulo ay nangyari matapos i-contempt ng House of Representatives ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez dahil umano sa liham ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order