December 26, 2024

Home BALITA National

Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon

Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon
(Photo courtesy: VP Sara Duterte/FB screengrab; AFP, Pres. Bongbong Marcos/FB)

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang “loyal” sa Konstitusyon at Chain of Command matapos ang naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Nobyembre 23, sinabi ni AFP chief Gen. Romeo Brawner na nakatuon ang mandato ng kanilang organisasyon sa pagprotekta sa mga tao at estado.

“Our personnel are loyal to the Constitution and the Chain of Command. We are facing greater challenges that require the strength of a united country and armed forces,” ani Brawner.

Bilang “cornerstone” ng national stability, saad ni Brawner, mananatili rin daw non-pratisan ang AFP na rumerespeto sa democratic institutions at civilian authority.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“We call for calm and resolve, and for everyone to hold on to our values of respect and nationalism that will guide us in these trying times. We reiterate our need to stand together against those who will try to break our bonds as Filipinos,” ani Brawner.

Matatandaang sa isang virtual press conference nito ring Sabado, iginiit ni Duterte na huwag mag-alala ang kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang seguridad dahil mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito sina PBBM, FL Liza, at Speaker Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Ang nasabing mga pahayag ni Duterte ay matapos i-contempt ng House of Representatives ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez dahil umano sa liham ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Tinawag naman ng Malacañang ang naturang pahayag ni Duterte na “active threat” laban sa pangulo, dahilan kaya’t nakipag-ugnayan na raw ang Executive Secretary sa Presidential Security Command upang aksyunan ito.

MAKI-BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang