“NO PETS LEFT BEHIND!”
Nanawagan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa publikong huwag pabayaan ang mga alagang hayop sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Pepito sa bansa.
Sa isang Facebook post, nagpaalala ang PAWS na panatilihin ang mga alagang hayop sa loob ng bahay at malayo sa panganib, partikular na dulot ng bagyo.
Sana rin daw ay tulungan at bigyan ng pansamantalang masisilungan, pakainin at painumin ang stray animals.
“Animals depend on us humans for their survival—let’s not fail them by extending our compassion and consideration in these difficult times,” anang PAWS.
Sa gitna ng bagyo, sinabi rin ng non-government organization na mahalagang magkaroon ang bawat isa ng evacuation plan.
“Ensure it includes every family member—pets included. If there is an urgent need for evacuation, remember to be resourceful, such as by using common household items like basins and baskets, to safely transport your pets,” paalala ng PAWS.
“If in the worst case scenario you absolutely cannot evacuate with your pets, PLEASE UNCAGE AND UNTIE THEM. Giving them the freedom to move can mean the difference between life and death.”
“Please stay safe, PAWS friends. We are praying for all those affected by Typhoon Pepito and are keeping tabs on the situation,” saad pa nito.
Base sa bagong update ng PAGASA dakong 11 ng umaga nitong Linggo, Nobyembre 17, napanatili ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito at patuloy na nagbabanta sa Aurora at Northern Quezon.
Nakataas naman sa Signal No. 5, 4, 3, 2, at 1 ang malaking bahagi ng Luzon.
MAKI-BALITA: Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; patuloy na nagbabanta sa Aurora, N. Quezon