January 23, 2025

Home BALITA National

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC
Photo courtesy: House of Representatives of the Philippines, International Criminal Court - ICC/Facebook

Nanindigan ang ilang miyembro ng House Quad Committee na hindi raw nila ibibigay sa International Criminal Court (ICC) ang kopya ng transcript ng kanilang pagdinig sa war on drugs.

Sa panayam ng media kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2024, sinabi niyang hangga’t hindi raw nagbababa ng utos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na makipag-ugnayan sa ICC, ay mananatili raw ang kanilang disposisyon.

“Ako, I will still maintain na hindi, until we become a member and until there is a directive coming from no less than our President, maybe that’s the only time we will change our position,” ani Barbers. 

Muli ring iginiit ni Barbers na wala raw silang obligasyon sa ICC dahil sa kawalan ng jurisdiction nito sa bansa. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“We are not a member of the ICC. We have no obligation to them. Whatever steps the ICC will take in this country, it’s up to them,” anang mambabatas. 

Sumang-ayon din si Santa Rosa Lone District Representative Dan Fernandez kay Cong. Barbers at sinabi niyang matapos niyang makabisita roon ay hindi raw akma ang proseso at pasilidad ng ICC, para sa kondisyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“At nakita ko po kung gaano kalungkot doon. You never wanted to be a part of that investigation. And even yung investigation per se, kasi pinanood namin yung proceedings nila, napakatahimik, talagang hindi ka pwede magsalita,” saad ni Fernandez.

Dagdag pa niya, ‘yon daw ang kaniyang palagay kung bakit iniiwasan ni FPRRD ang ICC.

“Palagay ko yun ang iniiwasan ng ating dating Pangulo,” ani Fernandez. 

Matatandaang noong Miyerkules, Nobyembre 13, nang maghamon si FPRRD na handa na raw niyang isuplong ang sarili sa imbestigasyon ng ICC.

KAUGNAY NA BALITA: Ex-pres. Duterte sa ICC: 'Start the investigation tomorrow!'

Samantala, matulin namang naglabas ng pahayag ang Palasyo hinggil sa naging tugon ni Duterte sa imbestigasyon ng ICC at iginiit na hindi raw nila pipigilan ang dating Pangulo at wala rin daw silang balak makipag-ugnayan sa ICC.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa pahayag ni FPRRD hinggil sa ICC: ‘If ‘yun ang gusto niya, hindi kami haharang!’

Kate Garcia