November 15, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya
Photo courtesy: Ken Chan (FB)

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang Kapuso actor-businessman na si Ken Chan patungkol sa kasong kinahaharap niya na "syndicated estafa."

Inireklamo si Ken Chan ng investors ng kaniyang itinayong Christmas-themed restaurant. 

Ilang buwan na ring nababalita si Ken patungkol sa isinampang warannt of arrest laban sa kaniya subalit hindi raw siya mahagilap sa kaniyang tahanan sa Pilipinas, dahil nasa ibang bansa siya, at pinaparatangang "nagtatago."

Nagsalita na si Ken sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 14. 

Tsika at Intriga

Resbak para sa tanging ina! Anak ni Ai Ai, hinamon tapang ni Chloe San Jose?

Dito ay matapang niyang inaming nalugi ang kaniyang negosyo at tahimik niyang inihahanda ang sarili sa legal na laban. May mensahe naman siya sa brands, fans, at mga taong naniniwala sa kaniya na patuloy na nagpaparamdam ng suporta at pagmamahal para sa kaniya. 

Buong Facebook post niya:

"Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.

Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara. Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay.

Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan. Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila.

May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa, na kung tutuusin ay dapat umiikot lamang sa pagkalugi ng negosyo.

Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko. Sa mga hakbang na ginawa nila mula pa noong nakaraang taon hanggang ngayon, makikita ninyo ang intensyon ng mga taong gusto akong pabagsakin.

Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin. Nalugi po ang Café Claus at isa sa malaking dahilan na rin ay dahil sa ilang business partners namin na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan.

Pinili ko pong manahimik pansamantala dahil sa una pa lamang po ay inilalaban ko na ito legally, kasama ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa sitwasyon kong ito. Naniniwala ako na sa awa ng Panginoon ay mairaraos ko po ito.

Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin. Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon.

Sa mga Companies at Brands na associated sa akin na naapektuhan sa sitwasyon na ito, paumanhin po sa inyong lahat. Babawi po ako sa inyo. Sa kabila ng lahat gusto kong magpasalamat sa pagsuporta at pag-unawa ninyo sa akin. Ramdam ko po ang pagmamahal ninyo.

At sa mga taong patuloy na nagmamahal at naniniwala sa akin, lalaban po ako. Patuloy po ninyo akong isama sa mga panalangin ninyo."

MAKI-BALITA: Ken Chan, sinilbihan ulit ng arrest warrant; wala raw ulit sa bahay?

MAKI-BALITA: Nahaharap sa kasong estafa: Ken Chan, nagbebenta ng properties pambayad-utang?

MAKI-BALITA: Tinakbo raw pera, nagkakaso pa: Partner ni Ken Chan, ibinaon daw siya sa utang?