January 06, 2026

Home BALITA National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Mapalad na lone bettor mula sa Maynila ang makapag-uuwi ng mahigit ₱107.8M sa Lotto 6/42 na binola ng PCSO kamakailan.

Noong Martes, Nobyembre 5, nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na 22-24-10-34-02-35 na may kaakibat na premyong ₱107,852,598.00.

BASAHIN: Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Ayon sa PCSO, nabili ng lone bettor ang winning ticket sa San Lazaro sa Maynila. 

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang valid IDs.

Mayroon lamang namang isang taon ang lucky winner, mula sa petsa ng pagbola, upang kubrahin ang kaniyang premyo. Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Inirerekomendang balita