December 21, 2024

Home SPORTS

Adamson University, kinilala 'hakot award victory' ni Karl Eldrew Yulo

Adamson University, kinilala 'hakot award victory' ni Karl Eldrew Yulo
Photo courtesy: Adamson University/Facebook

Ipinagmalaki ng Adamson University ang tagumpay ni Karl Eldrew Yulo, kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, matapos siyang humakot ng gold at silver medals sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships 2024 sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 1-3, 2024.

Hinakot ni Karl ang apat na gintong medalya mula sa Individual All Around, Floor Exercise, Still Rings at Vault categories. Habang dalawang silver medals naman ang kaniyang nasungkit mula sa Parallel Bars at Team category.

Sa opisyal na  Facebook page ng Adamson, ibinahagi nito noong Miyerkules, Nobyembre 6, 2024, ang naging courtesy call ni Karl sa Presidente ng naturang paaralan, kasama ang kanilang ina na si Angelica Yulo at nakababatang kapatid na si Elaiza Yulo.

“Falcon Gymnast Karl Jahrel Eldrew Yulo paid a courtesy visit to the University President this morning. Eldrew won 4 Gold Medals and 2 Silver Medals in the 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships 2024, Bangkok Thailand,” anang unibersidad.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Si Karl ay kasalukuyang nasa Grade 11 ng naturang paaralan.

Samantala, kasunod ng pagkapanalong inuwi ni Karl sa bansa, may ilang netizens ang hindi naiwasang muling ungkatin ang hidwaan ng Yulo family at inuugnay ang kaniyang pagkawagi sa naging pagkapanalo noon ni Caloy sa 2024 Paris Olympics.

KAUGNAY NA BALITA: Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Kate Garcia