December 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Busy raw? Chloe, naurirat kung dinalaw ba ni Carlos mga utol sa Japan

Busy raw? Chloe, naurirat kung dinalaw ba ni Carlos mga utol sa Japan
Photo courtesy: Chloe San Jose (FB)/KG Management Inc. (FB)

Nausisa ang girlfriend ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose na nagkaroon ba sila ng chance na madalaw ng boyfriend sa Japan ang mga kapatid ni Caloy na sina Karl Eldrew at Elaiza na nagte-training na rin para sa Los Angeles Olympics sa 2028.

Tumulak sa Japan ang Yulo siblings noong Oktubre 2024 para magsanay sa training camp ng Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.

Kamakailan lamang ay nag-post si Chloe na nasa Japan sila ni Caloy para sa bakasyon.

Tanong ng isang netizen, kaya raw ba nasa Japan sila ng jowa ay para bisitahin ang mga kapatid sa training?

Tsika at Intriga

Jak Roberto, ibinuking artistang 'di na niya bet makatrabaho

Sagot ni Chloe, nag-reach out daw sila sa kanila pero hindi raw nangyari dahil masyado raw silang "busy."

"We were just there at the same time as them—we reached out, they asked permission to see us lol but i guess they were too busy."

Kamakailan lamang ay nagwagi si Eldrew ng gintong medalya sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG). 

MAKI-BALITA: Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

MAKI-BALITA: Angelica Yulo, proud sa anak niyang 'Golden Boy'

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang KG Management, Inc. tungkol dito.