December 09, 2024

Home SPORTS

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'
Photo courtesy: Mark Andrew Yulo (FB)/KG Management, Inc. (FB)/Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nagbigay na rin ng mensahe ang ama ni Karl Eldrew Yulo na si Mark Andrew Yulo sa kaniyang panalo sa 3rd JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Si Karl Eldrew ay nakasungkit ng gintong medalya at namayagpag sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG), sa unang araw pa lang ng kompetisyon.

Ni-reshare ni Mark Andrew ang video clip ng "shining moment" ng anak na nagpanalo sa kaniya ng gintong medalya.

"Tahimik mong ipanalo ang mga pangarap mo Anak Karl Jahrel Eldrew Yulo," saad ng ama para sa kaniyang anak, na mababasa sa kaniyang Facebook post

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"naway gabayan ka nang may kapal sa inyong mga Laban."

"dito lang Kame nang Mama mo. Apir"

Nauna nang nagbigay ng mensahe para sa anak ang kaniyang misis na si Angelica Yulo.

Si Karl Eldrew ay kapatid ni two-time Olympics gold medalist Carlos Yulo na sumusunod na rin sa kaniyang yapak.

MAKI-BALITA: Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

MAKI-BALITA: Angelica Yulo, proud sa anak niyang 'Golden Boy'