December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Babae, nag-rant matapos pakasalan ang nobyong 'walang work pero pogi'

Babae, nag-rant matapos pakasalan ang nobyong 'walang work pero pogi'
(photo courtesy: Pexels, Reddit screenshot)

"Sa baba ng self-esteem ko, pumatol ako [sa] walang work pero pogi..."

Naglabas ng saloobin ang isang babae sa isang online community tungkol sa asawa niyang hindi nagtatrabaho pero pogi.

Kuwento ng isang babae sa online community na Reddit, pumatol daw siya sa lalaking walang trabaho "pero pogi" sa kadahilanang mababa raw ang self-esteem niya. 

"Sa baba ng self-esteem ko, pumatol ako ng walang work pero pogi. Hindi kasi ako maganda. E alam kong papatulan ako kasi may work ako," panimula ng babae.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Dagdag pa niya, mula no'ng nag-umpisa raw sila mag-date, siya lang daw talaga ang gumagastos. Kahit hanggang ngayon na mag-asawa na sila, siya lang daw ang nagtatrabaho. 

"Mula nung nagumpisa kaming nagdate, ako lang gumagastos. Ngayon mag-asawa na kami, ako pa din nagwowork. Tinuturuan ko ng work as a VA na sending emails lang, the most basic, pero hindi niya kaya. Minsan naiisip ko, hindi niya ba talaga kaya or kampante lang siya na willing naman akong provider so hindi siya nageeffort?" aniya.

"Siya lang yung taong nameet ko na walang kusang magkasariling pera. Tapos minsan sasabihin niya na naaawa siya sa sarili niya kasi mga batchmates niya mayayaman," paglalahad pa ng babae. 

Ikinuwento rin niya na spoiled daw kasi ang mister niya sa nanay at lola nito. Kaya mahigit 30 years old na raw ang mister niya no'ng nagsimula ang dating stage nila. 

"Background pala niya: naspoiled siya ng nanay at lola niya. 30+ na siya noong start ng dating stage namin e nanay niya pa din naglalaba damit niya at nagluluto para sa kanya," kuwento ng babae. 

"Dito sa bahay, sabi niya mag houseband nalang siya. Ginagawa naman niya mga chores pero p*cha, lahat ng desisyon kung ano lulutuin, paano iluto, icocover niya daw ba mga di nakain ma food, san ba daw niya ilalagay ganito ganyan, ako pa din magdedesisyon.

"Nakakapagod," pagtatapos pa niya. 

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post.

"Pinili mo yan eh, that's what they call settling for less."

"That's not a prince, that's a clown"

"Sorry op natawa ako sa thought na kaya pumayag nanay niya na makasal ung anak niya kasi mababawasan na burden niya sa bahay. Pinasa sayo. Damn."

"Nag-asawa ka po ng voice-activated boy toy. Pero ate, ba't naman po pinakasalan mo pa kung alam mo naman na ganyan na siya? Magiging pasanin mo yang taong yan. Di kaman lang matulungan mag hanap-buhay."

"Ginusto mo yan, OP. Good looking naman diba, keri lang."

"Red flag na pala bat ka nagpakasal? Sometimes it’s one’s fault bakit sila nasa situation na yan. Making big desicions without assessing the whole image of what will your life would look like if youre gonna be with that person. Financially, kahit di mayaman masipag ba? may initiative? Ano ba tingin nya sayo? ano ang values? Beliefs? ano ang goals nya? if may conflict paano ba nya hinahandle. Kaya may utak ang tao. Di dapat puro puso ang ginagamit, dapat samahan ng utak. I hope he changes, OP. or give him an ultimatum."

"Hindi yan Disney Prince, isang bato yan na pinukpok mo sa ulo mo. Goodluck OP it will be a lifetime burden. Lalo na if ever magka anak kayo."

"Ang lesson dito, wag magjowa ng pang-display lang."

"Posts like this give me a headache. I wanna feel bad for you bc I understand why you decided to do everything you did and keep doing, but like... hay"

"Sounds like a never-ending nightmare"

---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.