November 22, 2024

Home BALITA Metro

Marikina, may plano para sa maayos at mapayapang paggunita sa Undas

Marikina, may plano para sa maayos at mapayapang paggunita sa Undas

Tiniyak ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na naglatag na sila ng mga plano, protocols at guidelines upang matiyak ang pagkakaroon ng isang ligtas, maayos at mapayapang paggunita sa Undas.

“I have directed all relevant departments to implement our action plan, which includes enhanced security measures and traffic re-routing schemes, to accommodate the influx of cemetery-goers to our city’s cemeteries and columbarium,” ayon kay Teodoro.

Dagdag pa niya, “Our 'Oplan Undas 2024' Task Force—composed of key personnel from the Marikina City Police, Office of Public Safety and Security (OPSS), City Health Office (CHO), Rescue 161, Bureau of Fire Protection (BFP), barangay officials, National Government Agencies (NGA), Civil Society Organizations (CSO), and relevant stakeholders—will be stationed at the five major cemeteries and a columbarium in Marikina: Loyola Memorial Park, Barangka Municipal Cemetery, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, Our Lady of the Abandoned (OLA) Cemetery, and the St. Paul of the Cross Columbarium.”

Anang alkalde, ang key focus ng kanilang traffic management ay ang paligid ng Loyola Memorial Park, na siyang pinakamalaking sementeryo sa lungsod.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sinabi pa ni Teodoro na magpapatupad rin sila ng traffic rerouting sa ilang piling kalsada, simula nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 31, hanggang Nobyembre 2, upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

“I encourage the public to check the traffic re-routing plans available on the Marikina PIO Facebook page,” ani Teodoro.

Dagdag pa niya, ang prayoridad nila ay tiyakin ang seguridad ng publiko na bibisita sa mga sementeryo sa lugnsod at panatilihin ang peace and order sa buong panahon ng Undas.

“I have instructed that security protocols be strictly enforced, and command centers and police assistance desks will be established at the entrances of all cemeteries,” anang alkalde. “We also ask the public to do their part in keeping our cemeteries clean. Let us be mindful of our surroundings by properly disposing of waste and avoiding littering.”

Ang mga vendors ay pinapayagan lamang aniyang magtinda sa mga designated areas upang hindi sila makaabala sa mga taong magtutungo sa mga sementeryo.

Nagpaalala rin naman si Teodoro hinggil sa mga bagay na hindi pinahihintulutang dalhin sa mga sementeryo, gaya ng mga baril, matutulis na bagay, nakalalasing na inumin at mga gambling paraphernalia.

“Please follow these guidelines to ensure a smooth and respectful visit to honor our departed loved ones,” pahayag pa ng alkalde.