October 31, 2024

Home BALITA National

Erwin Tulfo, ACT-CIS nag-donate ng anti-leptospirosis meds sa Angat Buhay

Erwin Tulfo, ACT-CIS nag-donate ng anti-leptospirosis meds sa Angat Buhay
(file photo)

Nagkaloob ng donasyon ang opisina ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ng anti-leptospirosis medicines sa Angat Buhay ni dating Vice President Leni Robredo.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 30, sinabi ni Tulfo na karamihan sa mga mensaheng natanggap ng kaniyang tanggapan ay tungkol sa problema ng leptospirosis, partikular na sa Bicol dulot ng matinding baha.

Kaugnay nito, 5,000 capsules ng Doxycycline daw ang kanilang ipinagkaloob sa Angat Buhay Movement ni Robredo. 

“Lumubog kasi ang maraming bahagi ng Camarines Sur lalo na ang Naga City noong bagyong Kristine at ang nakakatakot ang mga tao nababad sa baha. Proteksyon o panangga ng mga tao laban sa leptospirosis ang mga gamot po na ito,” ani Tulfo.

National

De Lima kay Hontiveros: ‘Dapat mas dumami pa ang mga lider na katulad mo’

“Hindi po kami mananawa na tumulong hangga't may nangangailangan ng ayuda…tutulong po ang ACT-CIS,” saad pa ng senatorial aspirant.

Isa ang Camarines Sur, kung saan nakatira si Robredo, sa mga lugar na naapektuhan ng naging pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.

Samantala, sa kasalukuyan ay ang bagyong Leon naman ang nananalasa sa ilang bahagi ng Luzon, partikular na sa Batanes.

KAUGNAY NA BALITA: Super Typhoon Leon, napanatili ang lakas; Batanes, nakataas sa Signal #4