November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Anderson, may ayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol

Gerald Anderson, may ayuda sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol
Photo courtesy: Gerald Anderson (IG)

Nagpasalamat ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa mga taong tumulong sa kaniya upang maging matagumpay ang kaniyang inihandang ayuda para sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol region.

Magmula sa donors, sponsors, rescuers, volunteers, malalapit na kaibigan at kapamilya, naipahatid na ni Gerald ang kaniyang assistance sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard. Matatandaang bukod sa pagiging aktor ay isang Philippine army reservist si Gerald.

"Team work makes the dream work thank you to everyone that supported our cause.. your compassion and generosity made this possible .. our strength lies in coming together during crisis.." mababasa sa Instagram post ng aktor.

"to all the rescuers and selfless volunteers Maraming Salamat .. Your efforts to provide safety, care, and support to families affected by the typhoon are deeply appreciated thank you to my friends and family who supported this Mission by donating and offered their time to repack to all my friends in the industry that donated salamat #bangonpilipinas."

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

"To my kopiko & asia brewery family thank you. All the th3rd floor clients that donated,salamat. Your donations are on the way to Bicol via @coastguardph "

Sa isang Instagram post ay nanawagan pa si Gerald sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong na magsadya lamang sa kanilang headquarters, para naman sa Batangas. 

"Hi everyone this is a Call for help para sa mga Kababayan natin nasalanta ng bagyo at Landslide sa batangas Hopefully we can come together again .. asking for Donations in kind.. Drop off will be at all The Floor Branches .. 42a samat street Banawe Quezon cityGameville ballpark Mandaluyong," saad ni Gerald.

M️atatandaang likas na ang pagtulong kay Gerald kahit noon pa man. Ang huli nga ay pag-rescue niya sa isang pamilya nang ma-stranded ito sa loob mismo ng bahay, sa kasagsagan ng bagyong Carina.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue