November 22, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

‘Walang maiiwan!’ Evacuation area para sa fur babies, itinayo sa QC

‘Walang maiiwan!’ Evacuation area para sa fur babies, itinayo sa QC
Courtesy: Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council/FB

Kinalugdan ng netizens ang pagtatayo ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ng evacuation area para sa mga alagang hayop sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 24, inihayag ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council na itinayo nila ang evacuation area para sa fur babies sa Brgy. Bagong Silangan.

Mula noong Huwebes ay mayroon na raw limang alagang hayop na lumikas doon sa nasabing pet evacuation center.

“KASAMA SILA. Kasama ang mga pets sa evacuation sa Brgy. Bagong Silangan… Tulad ng evacuation center, may pagkain ding binibigay sa mga pets,” anang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang post.

Kahayupan (Pets)

Mga alagang hayop, huwag pabayaan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Pepito – PAWS

Marami namang nalugod sa nasabing inisyatiba ng Quezon City council, kung saan habang sinusulat ito’y mayroon nang 10,000 reactions, 436 comments, at 6,900 shares ang kanilang post.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“Sana lahat ng city may ganto!”

“Salamat sa inyo na mga rescuer at ksama ang mga dogs n cats.sana lahat ng lugar ay may ganyan na pati mga dogs n cats ay ma rescue. God bless.”

“Salute po sa inyo..nkakataba ng puso sana maraming katulad nio na ganyan ang hangarin xa MGA dogs na cat...god bless po..”

“God bless your kind hearts.”

“THANK U SO MUCH for rescuing those voiceless creatures…”

“GOD BLESS YOU ALL PO SA BUMUBUO PO NG TEAM NIYO!!!”

“Good job po,thank u so much po.”