November 22, 2024

Home FEATURES Trending

Ninakawang supermarket sa Naga, dinali raw ng informal settlers

Ninakawang supermarket sa Naga, dinali raw ng informal settlers
Photo courtesy: Netizen Post/Facebook

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa pamunuan ng isang supermarket sa Naga City, natukoy na raw nila ang mga nanloob sa kanilang tindahan sa kasagsagan ng baha sa naturang lugar, dulot ng hagupit ng bagyong Kristine. 

KAUGNAY NA BALITA: Pinagnakawan? Convenient store, supermarket sa Naga, pinasok ng ilang residente

Matatandaang ayon sa ulat ng isang local media, lumalabas na naging biktima rin umano ang Cabral Bicolandia Supermart (CBS) ng fake news, matapos kumalat sa social media ang ilang balita na namimigay daw sila ng mga natirang paninda mula sa kanilang supermarket. 

Nilinaw naman ito ng CBS sa kanilang Facebook page, at sinabing fake news ang kumalat na balita, bagkus, sila ay nilooban umano ng ilang residente.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

KAUGNAY NA BALITA: Pinagnakawan? Convenient store, supermarket sa Naga, pinasok ng ilang residente

Muling nilinaw ng CBS sa Balita, na pinasok daw ang kanilang tindahan at sinabi ring nalimas ang lahat ng kanilang paninda. 

“Pinasok po yung store, sinira yung roll up. Late namin nalaman so by the time dumating na yung pulis, halos naubos na lahat,” saad ng CBS.

Una raw nawala ang mga paninda nilang sigarilyo at mga mamahaling alak. Giit nila, mas matatanggap daw sana nila kung ang mga “essentials” daw ang kinuha ng mga magnanakaw dahil sa matinding pangangailangan. Ngunit tila iba raw agad ang pinuntirya ng mga ito sa loob ng kanilang tindahan.

“Siguro mas kakayanin pa po namin masikmura kung puro essentials po ‘yung ninakaw. Kaso lahat po eh, kahit ‘yung mga mamahaling alak, sigarilyo, appliances. ‘Yun pa ‘yung naunang naubos. Kahit mga estante kinuha rin,” anang CBS.

Tumanggi namang ibahagi ng CBS ang kabuuang halaga ng nakuha sa kanilang tindahan dahil sa banta na rin ng kanilang seguridad.

Samantala, ayon pa sa CBS, lumalabas daw sa inisyal na assessment ng pulisya na ang mga nanloob daw sa kanilang tindahan ay pawang mga informal settlers daw na nakatira lang daw sa likod ng naturang supermarket.

“According din kasi sa assessment ng police ‘yung informal settlers sa likod lang din ng store ‘yung nagransack,” paglilinaw ng CBS.

Bukod sa sigarilyo at alak, natangay din daw ng mga nagnakaw ang kaha ng natirang pinagbentahan, maging ang vault ng kanilang tindahan.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Naga City, hinggil sa mga naiulat na nakawan sa kanilang lugar, kung saan isa pang kilalang convenient store ang naispatang nilooban din ng ilang residente. 

Kate Garcia