November 22, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Animal shelter sa Tabaco, ‘di nakaligtas sa hagupit ng bagyong Kristine

Animal shelter sa Tabaco, ‘di nakaligtas sa hagupit ng bagyong Kristine
Tabaco Animal Rescue and Adoption - TAARA/Facebook

Nananawagan ng tulong ang isang animal shelter sa Albay, matapos padapain ng bagyong Kristine ang ilan sa kanilang pasilidad nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2024.

Tinawag na “The Aftermath of #BagyongKristine,” ng Tabaco Animal Rescue and Adoption (TAARA), ang sinapit ng kanilang shelter.

Sa isang Facebook post noong Miyerkules, inilahad ng TAARA na kubo at ilang dog house ang lubhang napinsala sa kanila.

“Sira-sirang mga kubo, mga natumbang dog house, butas na mga bubong, mga nagliparang yero, at putol na mga kahoy,” saad ng TAARA.

Kahayupan (Pets)

Mga alagang hayop, huwag pabayaan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Pepito – PAWS

THE AFTERMATH OF... - Tabaco Animal Rescue and Adoption - TAARA | Facebook

Paglalahad pa ng TAARA sa naturang post, nagawa pa raw nilang mag-evacuate kasama ang tinatayang 135 aso at 25 mga pusa, sa pangamba nilang baka raw abutin ng baha ang kanilang shelter.

“It was a long and very scary night. By God's grace, lahat po kami ligtas, walang nasaktan ni isa sa mga rescues at volunteers, ngunit ang shelter… ANG AMING MUNTING SHELTER,” anang TAARA.

“Pinagtagpi tagpi muna namin ang mga pwedeng maayos pa para may masisilungan kaming lahat habang naghihintay ng tulong na maayos ang mga kubo at enclosure.”

Samantala, kaugnay nito, ay nanghihingi rin ng donasyon ang TAARA upang matugunan ang pangangailangan ng mga ni-rescue na aso at pusa.

Para sa mga nagnanais na tumulong, maaaring bumisita sa kanilang Facebook page. Narito rin ang ilang mga detalye:

C
09166437535
Samuel asil


2786161722
Cristo

...
0839060335
risto


84@.


0998 202 5987
Barbacena

Kate Garcia