December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Couple goals: Marco, Cristine nakatapos ng public service and leadership course

Couple goals: Marco, Cristine nakatapos ng public service and leadership course
Photo Courtesy: Cristine Reyes (IG)

Couple goals ang peg ng celebrity couple na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes matapos nilang sumailalim sa public service and leadership course sa University of the Philippines (UP).

Sa latest Instagram post ni Marco kamakailan, pinasalamatan niya ang kaniyang mga professor sa certificate course niyang Public Service Administration.

Aniya, “Successfully finished my Public Service Administration certificate course from The University of the Philippines - National College of Public Administration and Governance and Center for Policy and Executive Development.” 

“Thank you to all my professors, will definitely keep in my heart everything I’ve learned,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ibinahagi rin naman ni Cristine sa kaniyang Instagram account ang naging karanasan niya nang sumailalim siya sa Public Service Motivation and Leadership Training sa nasabi ring unibersidad.

“Studying how to productively channel the calling to serve is a learning experience to live by because I want to be not just by his side but also to be a helping hand to serve District 4 of Camarines Sur with the intention of doing it right,” saad ni Cristine.

Pagpapatuloy pa niya, “The course gave us an opportunity to zone out the noise. It was an eye-opener to learn the dynamics of economics, development, and policy-making.” 

Sa huli, sinabi ng aktres na isa raw worthwhile experiences ang matuto mula sa mga propesor ng UP.

Matatandaang kabilang si Marco sa mga celebrity na naghain ng kaniyang kandidatura bilang kongresista sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 1.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Celebrities na nag-file ng COC sa unang araw

Matapos nito ay isang netizen ang nangahas tanungin ang kredibilidad niyang magsilbi sa nasabing posisyon.

Tinugon naman ito ni Marco at sinabing nauunawaan daw niya ang stigma sa mga aktor na kalaunan ay nagiging politiko kaya wawakasan na raw niya ito.

MAKI-BALITA: Marco Gumabao kinuwestyon pagkandidato: 'What can you bring to the table?'