November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Mula WPP: Apollo Quiboloy, nais nang tumakbong senador bilang ‘independent’

Mula WPP: Apollo Quiboloy, nais nang tumakbong senador bilang ‘independent’
Pastor Apollo Quiboloy (File photo)

Sa gitna ng kontrobersiya sa partidong Workers' and Peasants' Party (WPP), ninais na ni Pastor Apollo Quiboloy na tumakbong senador sa 2025 midterm elections bilang “independent.”

Nitong Lunes, Oktubre 21, nang isumite ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Mark Tolentino sa Commission on Elections (Comelec) ang kanilang hiling na kumandidato ang pastor bilang independent at hindi na sa ilalim ng partidong WPP.

Ito ay upang malutas umano ang “intra-party dispute” ng kontrobersyal na pastor at ng WPP.

Matatandaang noong Oktubre 8 nang maghain si Quiboloy ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador sa ilalim ng WPP.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Nakasama rin ang pastor sa initial list ng Comelec sa pagkasenador kung saan nakasaad nga ritong tatakbo siya sa ilalim ng WPP.

MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, kasama sa initial list ng Comelec sa pagkasenador

Samantala, kamakailan lamang ay naghain ng petisyon si labor leader at senatorial aspirant Sonny Matula, kakandidato rin sa ilalim ng WPP, para kanselahin ang kandidatura ni Quiboloy dahil umano sa “material misrepresentation.”

Iginiit ni Matula at maging ng WPP sa kanilang seven-page petition na wala umanong “factual at legal basis” ang nominasyon kay Quiboloy bilang kandidato ng partido. 

Binigyang-diin din ng WPP na hindi umano nila miyembro o guest candidate ang kontrobersyal na pastor.

MAKI-BALITA: Sonny Matula, pinakakansela kandidatura ni Apollo Quiboloy

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy matapos siyang maaresto ng mga awtoridad noong Setyembre 8, 2024 pagkatapos ng mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.

Nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga