December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

KathDen, hinihiritang mag-collab ulit para sa 'Queen of Tears' adaptation

KathDen, hinihiritang mag-collab ulit para sa 'Queen of Tears' adaptation
Photo courtesy: ABS-CBN Entertainment (FB)/tvN drama's X account via ABS-CBN News

Hindi pa man napapanood ang "Hello, Love, Again" sa mga sinehan ay humihirit na ulit ang fans at supporters ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa panibagong proyekto, this time, sa TV naman daw.

Nanawagan ang KathDen fans na sana raw, magpatuloy pa ang KathDen sa kanilang tambalan kahit tapos na ang sequel ng "Hello, Love, Goodbye," ang itinuturing na second highest-grossing Filipino movie of all time.

Pero dahil magkaiba ng home network ang dalawa, nanawagan ang fans na baka naman, dahil nagkaka-collab na nga ang dalawang network, ay baka mag-produce sila ng collab project para sa dalawa.

At isa nga sa request ay Philippine adaptation ng pumatok na South Korean drama series na "Queen of Tears," na pinagbidahan ng South Korean stars na sina Kim Ji-won at Kim Soo-hyun.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Mukhang bagay raw kasi silang bumida rito matapos lumabas ang mga larawan nilang dalawa sa isang lifestyle magazine, tampok sila bilang cover. 

"Parang bagay po sa kanila yung adaptation ng Queen of Tears," komento ng isang netizen sa Instagram post ni Kathryn, kalakip ang cover photo ng Metro.

Sinegundahan naman ito ng iba pang netizens. 

"ayy hindi ko pa sya napapanood pero parang bagay sa kanila"

"bagay na bagay I watch it already a very good k-drama my favorite one"

"dibaaaa, nung una naisip ko wag. Pero ngyon pwedeeee, lalo parang under ngyon si alden kay kath"

"yes agreed, bagay naman kay Kath magmaldita eh"

"sana nga jusko, another collab sana ng ABS at GMA!"

Matatandaang nagkaroon na ng kauna-unahang kolaborasyon ang ABS-CBN at GMA Network sa pagpo-produce ng teleserye. 

Ito ay ang "Unbreak My Heart" nina Joshua Garcia, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Jodi Sta. Maria. 

So baka naman posible na ang isang KathDen teleserye? 

Well, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng ABS-CBN at GMA tungkol dito.