December 22, 2024

Home SPORTS

Alyssa Valdez, naging mas mabuting tao nga ba dahil sa volleyball?

Alyssa Valdez, naging mas mabuting tao nga ba dahil sa volleyball?
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Nausisa ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano si volleyball superstar Alyssa Valdez sa naging impluwensiya ng sports sa pagkatao nito.

Sa latest vlog kasi ni Bernadette kamakailan, nabanggit ni Alyssa ang madalas niyang ituro sa mga kabataang lumalahok sa programa niyang volleyball camp.

“Ako sinasabi ko po—more than anything, more than skills—it’s the character po and the values all the time,” saad ni Alyssa.

Tanong tuloy ni Bernadette: “Naging mas mabuti ka bang tao dahil sa sports na ‘to? What do you mean?”“Well, if you’re determined enough, you’re disciplined, even if you’re the smallest kid in the room, you can learn kasi. You can learn the sports,” wika ng volleyball superstar.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dagdag pa niya, “But ‘yong character, it is so hard to build. I mean, it’s start from in your house, in the school. But parang to sustain it and to be consistent na maging gano’n, I think that’s one of the things na medyo mas mahirap.”

Kaya naman naniniwala si Alyssa na ang talent niya ngayon ay nakuha niya dahil sa sipag at hindi dahil gifted siya.

Paliwanag niya, “I’ve said earlier hindi naman po ako gano’n ka-athletic or in our family sa blood namin probably wala rin pong athletes.”

“So, I’d say sipag and siguro willingness to learn, willingness to listen very important,” dugtong pa niya.

Matatandaang noong Pebrero 2023 ay sumailalim sa isang procedure si Alyssa matapos niyang maka-recover mula sa pinsalang natamo ng kaniyang tuhod.

MAKI-BALITA: Alyssa Valdez, sumailalim sa 'procedure' — Creamline

Ayon sa kaniya, ang nasabing pangyayari ang isa sa mga dahilan kung bakit ibinalik niya ang volleyball camp na dati na rin naman niyang ginagawa.