December 23, 2024

Home BALITA

3 magkakapatid, patay sa aksidente; pamilya ng mga biktima, nanawagan ng tulong

3 magkakapatid, patay sa aksidente; pamilya ng mga biktima, nanawagan ng tulong
Photo courtesy: Myla Santillana/Facebook

Usap-usapan sa social media ang Facebook post ng isang nagdadalamhating ina matapos umanong sabay-sabay na pumanaw ang kaniyang tatlong anak.

Sa naturang post ni Myla Santillana noong Oktubre 20, 2024, kalakip ang isang larawan, makikita ang kaniyang pagluluksa sa tatlong anak.

“Patawarin ninyo sana si Mama sa lahat lahat mga anak ko. Walang kasing sakit. Mahal na mahal ko kayo,” saad ni Santillana.

Umabot na ng 10k shares ang nasabing post, bagama’t hindi inilahad ni Santillana ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang mga anak.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bago ang nasabing post kasama ang larawan ng kaniyang mga anak, ilang magkakasunod na post din ang inilabas ni Santillana bunga ng kaniyang pagdadalamhati, noong Linggo.

“Malupit ang Diyos niyo, sobrang lupit!” ani Santillana.

"Hindi ko talaga kaya. Anong malaking kasalanan ko para parusahan ako ng ganito??? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam. Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Durog na durog ako. Bakit mga anak ko??"

Kasunod naman nito, isang Facebook post ang nagpakilalang pinsan ni Santillana na si Shara Maling, ang tila umagaw din sa atensyon ng netizens, matapos nitong ilahad ang nangyari sa pamilya umano ng kaniyang pinsan.

“Good day, all. I am knocking on all your hearts to seek help for my cousin, Ate Myla, and the immense tragedy their family is going through right now,” saad ni Maling.

Sa naturang post, ikinuwento ni Maling na kabuuang detalye sa nangyari sa tatlong anak ni Santillana, gayundin sa asawa nito.

“On October 19, 2024, at around 11 pm, Bunjoy (10 yo), KL (6 yo), Liway (3 yo), and Mikyla/Mikmik (2 yo) were going home from attending a relative’s 40-day memorial service.”

Ang tatay daw ng mga biktima na si Michael ang nagmamaneho ng nasabing tricycle, nang sila ay mabunggo ng isa pang motorsiklo.

“They were all rushed to the hospital but unfortunately, Marcus, KL, and Mikmik sustained extreme injuries and did not make it,” saad pa ni Maling.

Saad pa ni Maling, nagawa pa raw maprotektahan ni Markus ang bunsong kapatid na si Liway, na siyang tanging nakaligtas sa naturang aksidente.

Samantala, hindi pa rin daw nagigising ang ama nilang si Michael, na nasa kritikal na kalagayan.

Kaugnay nito, inihihingi rin ng tulong pinansyal ni Maling ang pamilya Santillana, partikular na umano sa hospital bill.

The tremendous grief their family is going through is unexplainable, and we are knocking at your generous hearts to help their family pay for the piling medical expenses, and the life they must continue to live after this tragic event,” ani Maling.

Sa ulat ng ilang local media outlet, kinumpirma nila na noong Oktubre 19, 2024 sa bayan ng Santa Rosa, Nueva Ecija, naganap ang naturang aksidente na kumitil sa buhay ng tatlong anak ni Santillana.

Sa mga nagnanais magpaabot ng tulong, maaaring dumirekta sa mga sumusunod na detalye:

09707382067 | Jemyla Padilla (GCASH)

09686305861 | Genielou Moya (GCASH)

09954572246 | Tracy Yoingco (GCASH)

1163378319 | Jessalen Padilla-Yoingco (Chinabank)

Kate Garcia