December 23, 2024

Home SPORTS

JM Bravo pinagtanggol si Ato Barba mula sa bashers: 'Please stop spreading bad vibes...'

JM Bravo pinagtanggol si Ato Barba mula sa bashers: 'Please stop spreading bad vibes...'
Photo courtesy: JM Bravo and GMA Sports PH/Facebook

May mensahe si Lyceum of the Philippines University basketball player JM Bravo sa mga umano’y patuloy na tumutuligsa sa kapuwa niya LPU Pirates na si Ato Barba, matapos ang nangyaring insidente sa kanilang laro noong Sabado, Oktubre 19, 2024. 

Matatandaang nawalan ng malay sa court si Bravo matapos tumama ang mukha niya sa likurang bahagi ng isa pang cager ng Arellano University. 

KAUGNAY NA BALITA: Basketball player ng Lyceum, nawalan ng malay matapos makabungguan isa pang player ng Arellano

Agad siyang sinaklolohan ni Barba at inalog ang kaniyang balikat sa pagnanais daw niyang magising si Bravo. Ang naging inisyal na aksiyon ni Barba ay pinuna ng netizens at sinabing mas nalagay lang umano sa panganib si Bravo dahil sa ginawa niya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

KAUGNAY NA BALITA: Ato Barba, inaming mali pagkalog sa ulo ng hinimatay na teammate

Samantala, matapos magising at tuluyang ma-discharge noong Sabado pa rin sa ospital, naglabas naman ng pahayag si Bravo sa kaniyang Facebook account.

KAUGNAY NA BALITA: LPU basketball player na nahimatay at bumulagta sa court, nagkamalay na!

“Please STOP spreading bad vibes , bad and nonsense comments please!” ani Bravo.

Sinabi niyang parang kapatid niya na raw si Barba at naintindihan niya umano ang naging reaksiyon nito sa nangyaring insidente.

“John Barba and I are very close and I treat him as a brother also, I understand what he did,” dagdag pa ni Bravo.

Nagpasalamat din siya sa mga nag-alala sa kaniya, lalo na aniya sa kaniyang teammates.

“I appreciate everyone’s concern especially my team (LPU) so please stop making bad comments.”

Sa pagtatapos ng naturang post, siniguro rin ni Bravo na “cleared” at maaayos na raw ang kaniyang pakiramdam.

“I'm already okay and cleared.”

-Kate Garcia