January 23, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Asong naka-dextrose na ni-rescue mula sa basurahan, pumanaw na

Asong naka-dextrose na ni-rescue mula sa basurahan, pumanaw na
Photo courtesy: Animal Kingdom Foundation (FB)

Inihayag ng Animal Kingdom Foundation (AKF), ang pagpanaw ng rescued dog na si Abba, noong Biyernes, Oktubre 18, 2024.

Matatandaang si Abba, ang nag-viral na aso noong Oktubre 17, 2024, matapos kumalat sa balita ang kaniyang larawan sa tabi ng isang basurahan habang may nakatusok pang dextrose sa kaniyang katawan. Ayon sa official post ng AKF, natakanggap umano sila ng report tungkol sa asong pinangalanan nilang “Abba,” na itinapon na lang daw ng buhay at inabandona.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinagbigay alam ng AKF na pumanaw na si Abba.

“IN LOVING MEMORY OF OUR DEAR ABBA WHO JUST CROSSED THE RAINBOW BRIDGE TODAY,” saad sa caption ng AKF sa kanilang Facebook post

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

Tila isinaad din nila sa caption ang animo’y mensahe na nagmula kay Abba.

“My body may have been broken, but my spirit was lifted by your compassion.

Please remember me, Abba, not for my suffering, but as a reminder that NO LIFE SHOULD EVER BE THROWN AWAY. Let my story inspire others to protect and care for those who need it most,” dagdag pa ng nasabing caption.

Bago ang pagpanaw ni Abba, kamakailan lang ay nakapaglabas pa ng update ang naturang foundation kung saan sa pamamagitan ng isang Facebook Reels ay ipinakita nila ang estado ng narescue na aso. Dito sinabi nilang mahina at nasa kritikal na kondisyon umano si Abba na may “canine distemper.”

Samantala, ibinahagi rin ng AKF ang huling larawan naman ng yumaong aso na maayos na nakahimlay at napapalibutan ng ilang bulaklak.

“THIS IS WHAT YOU DESERVE, ABBA. REST EASY NOW. You are important. You are loved. Your life mattered. You deserve respect,” saad ng naturang foundation.

Kate Garcia