December 23, 2024

Home SPORTS

Overweight daw? Pinoy boxer John Riel Casimero, pinatawan ng 1 year suspension

Overweight daw? Pinoy boxer John Riel Casimero, pinatawan ng 1 year suspension
Photo courtesy: John Riel Casimero (IG)

Tila mabilis na natuldukan ang dapat sana’y selebrasyon ng Technical Knockout (TKO) win ng three-time World Boxing Organization (WBO) champion na si John Riel Casimero matapos itong sabayan ng suspensyon.

Napatawan ang Pinoy boxer ng isang taong suspensyon mula sa hatol ng Japan Boxing Committee (JBC) matapos ang umano’y dalawang beses niyang hindi pag-abot sa itinakdang weight limit na 122-pound para sa bantamweight division.

Sumobra ng isang kilo ang timbang ni Casimero sa unang weigh-in niya at muli siyang pinaballik matapos ang dalawang oras upang sumalang muli. Sumakto umano sa 123 pounds ang naturang timbang ng Pinoy boxer.

Matatandaang wagi via TKO si Casimero matapos pabagsakin si American boxer Saul Sanchez noong Linggo, Oktubre 13, 2024.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, ayon sa opisyal na pahayag ng JBC, nanindigan ang ahensya sa kanila umanong “rule” patungkol sa pagiging overweight ng isang boksingero.

“We at JBC, have already suspended Casimero for one year due to his overweight. This is our JBC rule, so he is not available to fight in Japan for one year,” ani JBC official Tsuyoshi Yasukochi sa media.

Kate Garcia