November 22, 2024

Home BALITA Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na
(Photo from Wikipedia)

Sa edad na 90, pumanaw na si Japanese actor Nobuyo Oyama na nakilala sa kaniyang pagbibigay-boses sa cartoon character na si Doraemon, ayon sa kaniyang talent agency nitong Biyernes, Oktubre 11.

Base sa mga ulat, ibinahagi ng talent agency ni Oyama na “Actors Seven” na pumanaw siya noong Setyembre 29, 2024 dahil sa katandaan.

Dinaluhan daw ang burol ng Japanese voice actor ng malalapit niyang kamag-anak.

Bilang isang voice actor, mas nakilala si Oyama sa kaniyang pagboses sa karakter ng cat robot na si Doraemon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang Japanese anime series na umere mula 1979 ay tungkol sa isang robot na pusa mula sa future na nag-time travel sa “present” para tulungan ang isang tamad na estudyanteng si Nobita na naging bestfriend niya.

Naging popular ang Doraemon hindi lamang sa Japan, kundi maging sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Pilipinas, kung saan minahal ito ng mga bata hanggang sa kasalukuyang henerasyon.

Rest in Peace, Nobuyo!