Ginugunita ngayong araw, Oktubre 10, 2024 ang “World Mental Health Day,” alinsunod sa kampanya ng United Nations (UN).
Sa tulong ng World Federation for Mental Health Day (WFMH), ang tema ng mental health day ngayong taon ay, “Mental Health at Work.”
Sa Pilipinas, isa sa mahahabang usaping pangkalusugan ang mental health day. Katunayan, nananatili pa ring mahal ang konsultasyon nito at iilang mga klinika lamang ang mayroon nito sa bansa. Ayon sa datos ng Philippine Psychiatric Association (PPA) mayroon lamang 651 psychaitist sa bansa, 516 psychiatric nurses at 133 psychologist sa buong bansa, maliit na bilang upang makasapat sa tinatayang 119 milyong populasyon ng Pilipinas.
Samantala, ayon sa datos na inilabas ng isang health insurance company na AXA, tinatayang 87% umano ng mga Pilipino ang nakararanas ng mental health issues na may kaugnayan sa pagiging working professional.
Karaniwang napaghahalo-halo ang kahulugan ng anxiety, depression at stress na nararanasan ng isang ito. Kaya naman narito ang pinakasimpleng depinisyon ng mga ito ayon sa Help Starts Here, isang website sa British Columbia na nakatuon sa usapin ng mental health.
Anxiety
Ito ay nakapaloob sa emosyonal o nararamdaman ng isang tao. Natatakot, kinakabahan at palaging pagod na nagiging hadlang upang makakilos at maging produktibo ang isang tao. Bagama’t normal lamang makaranas ng mga ganitong pakiramdam, maaaring kumunsulta sa healthcare professionals kapag ang mga ito ay lumala.
Halimbawa: Hindi ka na komportable na wala kang ginagawa dahil natatakot kang baka may nakalimutan ka pang gawin na maging dahilan na ikagalit sa iyo ng boss o guro mo.
Stress
Ang stress o pagkapagod naman ay konektado sa pisikal at emosyonal na aspeto ng isang tao. Pananakit ng katawan, pagiging iritable, palaging pagkapagod, pagkawala ng gana at iba pa ang kadalasang manipestasyon nito sa isang tao.
Halimbawa: Kadalasang sumasakit ang iyong ulo o sentido kapag kinakailangan mo na ulit mag-budget ng suweldo.
Depression
Marapat lamang na bigyang diin na ang depression ay isang “mental health disorder” at nangangailangan ng diagnosis mula sa isang health care professional. Ilan sa manipestasyon ng depression ay: mood swings, pagkawala ng pag-asa, pagbabago ng behavior at tuluyang pagkawala ng gana sa lahat ng bagay.
Halimbawa: Pakiramdam mo ay wala ng katuturan ang lahat ng nangyayari sa buhay mo, wala ka ng ganang ipagpatuloy ang trabaho dahil iniisip at nararamdaman mong wala namang nakakaintindi sa iyo.
Sa madaling salita, ang anxiety ay naaayon sa nararamdaman ng isang tao, ang stress ay kalimitang nasa pisikal at maging emosyonal na nararanasan ng isang tao at ang depression ay may kaugnayan sa behavior at pag-iisip ng isang tao.
Bagama’t nananatiling konektado ang anxiety, stress at depression at kalimitang pare-pareho rin ang mga sintomas, mainam pa rin na mapangalagaan ang mental health at huwag matakot na humingi ng tulong.
Narito ang ilang healthcare providers na maaaring lapitan para sa mental health consultations.
Philippine General Hospital: Offers free psychiatric consultations and counseling.
•Contact: (02) 554-8400 loc 2436 or 2440(02) 554-88470, (02) 526-0150, and (02) 554-8469
•Address: Taft Avenue Ermita, Brgy. 670 Zone 72, Manila, 1000 Metro Manila
•Book an appointment: https://pghopd.up.edu.ph/
National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline:
Provides 24/7 free basic counseling, psychological first aid, suicide prevention, online psychiatric sessions, and psychosocial support.
•Contact: (02) 79898727 or 09178998727
•Hotline: 1553 Nationwide landline-toll free
•Smart/SUN/TNT: 0908-639-2672
•Globe/TM: 0966-351-4518
•Book an appointment: https://ncmh.gov.ph/#e-konsultasyon
Kate Garcia