December 27, 2024

Home FEATURES Lifehacks

ALAMIN: Anong dapat gawin sa oras ng emergency?

ALAMIN: Anong dapat gawin sa oras ng emergency?
Photo courtesy: Pexels

Ang mga aksidente ay maaaring mangyari sa anumang oras at sa sinuman, kaya mahalaga na laging handa.

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa basic na first aid ay makakatulong sa pagligtas ng buhay. Mag-isa ka man o may kasama maliligtas ka kapag alam mo ang dapat gawin sa oras ng emergency.

Narito ang ilang gabay sa unang lunas sa oras ng aksidente at emergency, kabilang ang mga karaniwang kaso sa Pilipinas ayon sa World Health Organization, Hello Doctor, Doc Willie Ong at ni Dr. Jim Sanchez.

1. Sugat at Pagdurugo

Lifehacks

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?

Kapag may sugat o pagdurugo, mahalaga ang mabilis na aksyon upang pigilan ang pagkawala ng dugo.

Tandaan na huwag hugasan ng sabon ang mismong sugat, dapat ang paligid lang nito.

Hugasan ang sugat gamit ang malinis na tubig at takpan ito ng sterile gauze o malinis na tela upang maiwasan ang impeksyon.

Pagtapos linisin i-elevate ito mas mataas sa puso ang lokasyon at dapat may arm sling para less ang swelling, pain at inflammation. Huwag maglalagay ng 70% Alcohol sa halip kung tingin na ito’y maiimpeksyon mas mabuting lagyan ito ng povidone iodine betadine.

Kung malalim ang sugat at patuloy ang pagdurugo, i-pressure ang sugat gamit ang iyong kamay at agad na humingi ng medikal na tulong.

2. Heat Stroke

Ayon sa Hello Doctor ang heat stroke ay isang kritikal na kondisyon na nagaganap kapag hindi na kayang kontrolin ng katawan ang labis na init, karaniwang sanhi ng matinding init o pisikal na pagod sa mataas na temperatura.

Ang heat stroke ay mas mapanganib kumpara sa heat exhaustion at maaari itong magdulot ng permanenteng pinsala sa mahahalagang organo, lalo na sa utak, kung hindi agad na malulunasan.

Sa Pilipinas, mataas ang panganib ng heat stroke dahil sa tropikal na klima ng bansa, partikular tuwing tag-init.

First Aid sa Heat Stroke:

1. Ilipat sa malamig na lugar – Dalhin ang biktima sa isang malamig na kapaligiran, lalo na kung sila ay nasa labas.

2. Tanggalin ang sobrang damit – Siguraduhing maginhawa ang kasuotan ng biktima at nakakapasok ang hangin sa balat.

3. Hanginan at basain ng malamig na tubig – Mag-spray ng tubig at hanginan upang mapanatiling malamig ang katawan ng biktima.

4. Gumamit ng ice packs – Ilagay ito sa mga kilikili, leeg, at singit, ngunit iwasan ang direktang paglalagay ng yelo sa balat.

5. Bigyan ng malamig na inumin kung may malay, ngunit iwasang magbigay ng sobrang lamig na tubig.

Laging tandaan na tumawag agad ng tulong medikal kahit na magbigay ng first aid, dahil ang heat stroke ay nangangailangan pa rin ng tamang recovery sa ospital.

3. Frostbite at Hypothermia

Ang mga cold-related emergencies gaya ng frostbite ay madalas mangyari sa mga matitinding lamig. Kung may frostbite, iwasang kuskusin ang apektadong bahagi dahil maaaring makasama ito.

Painitin ito gamit ang maligamgam na tubig (hindi lalagpas ng 105°F) hanggang bumalik ang natural na kulay ng balat. Para sa hypothermia, bihisan ng tuyong damit at balutin ng kumot ang biktima habang hinihintay ang medikal na tulong.

4. Pagkahimatay

Icheck ang vital signs.

Ihiga nang maayos ang nahimatay (down on their back).

Siguraduhing nakakalanghap ng fresh air ang nahimatay

Bigyan ito ng space upang mahanginan.

Magapply ng cold-compress sa noo

Kadalasan nagiging conscious na ang nahimatay ngunit pag hindi tumawag na ng doctor.

5. Inatake sa Puso

Kung may taong nawalan ng malay o tumigil sa paghinga dahil sa atake sa puso, magsagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).

Ibigay ang 30 chest compressions at 2 rescue breaths sa isang cycle, na inuulit hanggang sa dumating ang mga emergency responder. Importante rin na gumamit ng Automated External Defibrillator (AED) kung mayroon.

Karagdagang Tips:

Pagsasanay sa Unang Lunas: Huwag mag-atubiling dumalo sa mga kursong first aid na inaalok ng Red Cross o iba pang organisasyon. Ang mga kasanayang ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa oras ng sakuna o aksidente.

Emergency Numbers sa Pilipinas: Tandaan ang mga numero ng emergency tulad ng Emergency Hotline ma 143 at Tel. 02 8527-8385 to 95 para sa ambulansya at iba pang emergency response.

Mariah Ang