December 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Pagbawi umano ni Ex-Pres. Duterte ng COC sa pagka-alkalde, hindi raw totoo

Pagbawi umano ni Ex-Pres. Duterte ng COC sa pagka-alkalde, hindi raw totoo

Hindi raw totoo ang impormasyong binawi umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde sa Davao City, ayon umano sa kaniyang partner na si Honeylet Avanceña, na iniulat ng DZRH news.

Sa panibagong ulat ni Henry Uri ng DZRH news, hindi raw kinansela ni Duterte ang COC nito sa pagka-alkalde sa Davao City, ayon umano kay Honeylet nang matanong tungkol dito.

Kinuha rin umano ng DZRH ang panig ni Senador Bong Go, na kilalang malapit na kaibigan ni Duterte, at sinabing wala raw itong impormasyon tungkol pagkansela ni Duterte ng COC at kinokonsiderang "fake news" ang lumalabas na balita. 

Kaugnay na Balita: Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas