January 22, 2025

Home BALITA

'It's really a miracle!' Doc Willie Ong, bumubuti ang kalagayan?

'It's really a miracle!' Doc Willie Ong, bumubuti ang kalagayan?
Photo Courtesy: Doc Willie Ong (FB)

Ibinahagi ng cardiologist at senatorial aspirant na si Doc Willie Ong ang latest update tungkol sa kalusugan niya.

Sa latest Facebook post ni Ong nitong Martes, Oktubre 8, nakasaad doon na lumiit umano ang Sarcoma niya sa loob ng anim na linggo.

“Doc Willie's Sarcoma shrinks by 60% in 6 weeks. (See Actual PET Scan results for comparisons. The LIGHTED areas are the active cancer cells which has dramatically reduced.)” saad sa caption ng post.

Kaya naman tila nanumbalik umano kay Ong ang malulungkot na mata ng mga kapuwa niya doktor nang mabalitaan ng mga ito ang tungkol sa sakit niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa kaniya: “I remember all the sad eyes and tears when colleagues found out my diagnosis. A 16 cm large sarcoma invading all the major blood vessels. Inoperable they say. A hopeless and terminal case in the brink of death. Well, apparently not for my case.”

“With the help of my brother and a patient of Dr Ang Peng Tiam, I was whisked to Singapore while in serious condition. Now, after 6 weeks of treatment by my Singapore Oncologist, Dr Ang Peng Tiam, the cancer has shrunk dramatically,” wika niya.

Dagdag pa niya: “It's really a miracle.”

Matatandaang inanunsiyo ni Willie noong Setyembre 14 na mayroon umano siyang Sarcoma cancer at posibleng ang dahilan umano nito ay stress dulot ng mga nababasang komento sa Facebook.

BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer

Ilang linggo matapos nito ay naghain si Ong ng kandidatura sa pagkasenador sa darating na 2025 midterm elections sa pamamagitan ng misis niyang si Doc Liza Ong.

MAKI-BALITA: Willie Ong, naghain na ng COC sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections