November 24, 2024

Home BALITA National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’
(file photo; MJ Salcedo/BALITA)

Naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. Mark Tolentino nitong Martes, Oktubre 8.

Ayon kay Tolentino, tatakbo umano si Quiboloy dahil sa “Diyos at Pilipinas.”

"Gusto niyang maging part ng solution ng ating bansa," ani Tolentino.

Tatakbo raw si Quiboloy sa ilalim ng Workers' and Peasants' Party (WPP).

National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Sarangani

Samantala, sinabi naman ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring maghain ng COC si Quiboloy.

“Wala pong kapangyarihan ang Comelec na mag-preevaluate at mag-reject,” ani Comelec spokesperson Rex Laudiangco.

Gayunpaman, dadaan pa umano sa proseso kung magiging opisyal na kandidato si Quiboloy sa gitna ng mga kinahaharap niyang kaso.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy matapos siyang maaresto ng mga awtoridad noong Setyembre 8, 2024 pagkatapos ng mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.

Nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”

MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga