November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

'Manalo o matalo' Singson, nangakong magbibigay ng discount sa mga driver para makabili ng e-jeepney

'Manalo o matalo' Singson, nangakong magbibigay ng discount sa mga driver para makabili ng e-jeepney
photo courtesy: MJ Salcedo/BALITA

Manalo man o matalo, nangako si dating Ilocos Sur governor at senatorial aspirant Chavit Singson na magbibigay siya ng discount sa mga jeepney drivers para makabili ng modernized jeepney unit.

Naghain si Singson ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagkasenanor ngayong Lunes, Oktubre 7. 

Sa kaniyang pagharap sa media, sinabi ng senatorial aspirant na manalo man o matalo ay itutuloy niya umano ang kasalukuyan niyang ginagawa hinggil sa modernisasyon ng public transport. 

Ani Singson, "hindi magawa-gawa ng gobyerno" ang naturang modernisasyon sa public transport sa bansa. 

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

"Ang gagawin ko po manalo o matalo ay 'yung ginagawa ko na ngayon, 'yung modernisasyon ng electric vehicles--electric jeep, electric tricycles, at electric motorcycles--matagal na pong programa ito ng gobyerno na hindi magawa-gawa dahil pinapadala sila sa Landbank para umutang, mag-downpayment ng P500,000."

Ibinahagi rin niya na nagkita raw sila noon ni Pangulong Bongbong Marcos at sinabi niyang mangyayari na modernisasyon dahil siya raw ang magpo-provide ng "lahat ng electric vehicles without any downpayment, without zero interest, without guarantee from the drivers."

Nakipagtulungan na rin umano daw siya sa Korean manufacturers upang makagawa ng mas pinakamurang modernized jeepney units.

Umaabot daw sa P3 milyon ang halaga ng kada unit, ngunit para makatulong daw, P1.2 milyon na lang daw niya itong ibibigay sa mga jeepney driver. 

Samantala, kaya raw siya tumakbong senador ay upang mas mapabilis ang pagtulong niya sa taumbayan lalong-lalo na raw sa mga mahihirap.