November 13, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

DSWD at PAWS, nagsanib-puwersa para sa 'Angel Pets' Program

DSWD at PAWS, nagsanib-puwersa para sa 'Angel Pets' Program
Photo Courtesy: DSWD (Website)

Nagsanib-puwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para ilunsad ang "Angel Pets" program.

Isang makabagong hakbang ito na naglalayong magamit ang therapy kasama ang mga hayop upang matulungan ang mga bata at kababaihang nasa residential care facilities, partikular ang mga nakaranas ng pang-aabuso at pagsasamantala.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isang panayam, ang programa ay unang ipatutupad sa Marillac Hills – National Training School for Girls (NTSG) sa Muntinlupa City, na tumutulong sa mga batang babae na edad 7 hanggang 17 taong gulang na biktima ng pang-aabusong sekswal at human trafficking. Kasama rin dito ang Sanctuary Center sa Mandaluyong City, na nagbibigay ng pangangalaga sa mga inabandonang kababaihan na may psycho-social disabilities.

Pinahayag ni Gatchalian sa ginanap na pagpirma ng memorandum of agreement na, "Many individuals in our care have faced exploitation and trauma. We believe that by partnering with PAWS, we can create more positive outcomes for those we serve, there are so many anecdotal stories of how pets can calm us down and how therapeutic it is to have pets.”

Kahayupan (Pets)

Pusa, patay matapos hatawin ng kahoy; AKF nanawagan ng hustisya

“But nobody has actually documented it in long-term research in the Philippines. Hopefully, this research can help us better understand how pets can actually heal, not only those undergoing severe trauma but also help us in managing work-life balance,” aniya pa.

Dagdag pa ni Gatchalian, ang programa ay naglalayong mapabuti ang emotional at psychological well-being ng mga residente sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga hayop, partikular ang mga tinaguriang "doctor dogs." Naniniwala silang ang therapy kasama ang mga hayop ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa paggaling ng mga biktima ng trauma.

Mariah Ang